OFFICIAL dug2ngan RULES
LIMITED COPIES LANG!
OFFICIAL dug2ngan RULES
v1 NOV 2024 RULEBOOK (1st edition)
v2 FEB 2025 RULEBOOK UPDATE (2nd edition):
- general changes: Tinanggal muna ang mention ng game modes. I-e-explain ang ibang game modes through future rulebook updates at videos.
- page 1: No changes.
- page 2: Simplified na ang ACTION CARDS section, with an added important note sa effect/non-effect ng mga ito.
- page 3: Klinaro kung paano ma-determine kung sino ang Player 1 (step 3) at ang hudyat ng simula ng game (step 6). Inayos ang drowing para ma-illustrate ang clockwise na direction ng play.
- page 4: Itinama ang numbering (7-10) at inayos ang PASS mechanics sa step 8b. See step 10 (MANDATORY DRAW per turn).
- page 5: Tingnan ang caveat sa step 1 .
- page 6: Inayos ang mga typo. Optional ang paghampas ng bank ng player para sumapaw (see FAQs below). Tingnan ang note sa baba tungkol sa non-effect ng SAPAW sa order ng players.
- page 7: Expanded ang explanation tungkol sa pagSAPAW/DEAD WORDS. See notes on ACTION CARDS, +DOS, +KWATRO, and TODAS.
- page 8: Mention ng updated rulebook sa website. May FAQs din sa baba para sa lahat ng mga natanggap kong tanong tungkol sa game!
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS
ACTION CARDS
Paano gamitin ang TODAS?
Pagkabuo ng salita gamit ang TODAS na card, END OF TURN na ng player. Dahil hindi nadugtungan ang PAMATO sa harap na players, ito pa rin ang PAMATO IN-PLAY, meaning ito pa rin ang susubukang dugtungan ng next na player.
May effect ba ulit ang action card na PAMATO kapag hindi ito nadugtungan ng previous player?
Minsan lang/hindi nauulit ang effect ng isang action card. Halimbawa, ang PAMATO ay ang card na SA, na isang +DOS action card. Bumunot na ng 2 + 1 cards ang next player bilang effect ng +DOS. Pag nag-pass ang player na ito, ang PAMATO na SA pa rin ang dudugtungan ng next player, at HINDI NA BUBUNOT ng 2 + 1 cards ang next player na ito.
Ilang action cards ang pwedeng ibaba per turn?
Isang action card per turn lang ang pwedeng ilapag. Halimbawa, pagkatapos mong magbaba ng TOKI na action card, hindi ka na pwedeng magdugtong ng salita gamit ang TODAS.
Ano ang ginagawa ng player na NILAKTAWAN o ini-SKIP?
Kapag ini-skip ka dahil sa effect ng LAKTAW, wala ka nang gagawin, at HINDI ka na rin bubunot sa draw deck. Turn na ng player na susunod sa iyo.
Kapag dalawa na lang ang cards ko at ibinaba ko ang PITIK bilang PAMATO, ano ang mangyayari?
Bilang effect ng PITIK, kailangang bunutin ng player na napili mo ang natitirang isang (1) card sa hand mo. Panalo ka na dahil naubos ang cards sa hand mo. CONGRATS, WE'RE SO PROUD OF YOU.
Paano ang effect ng TOKI at LAKTAW pag 2 players lang ang naglalaro?
Pag 2 players lang ang naglalaro at TOKI o LAKTAW ang ibinaba ni PLAYER A, turn na ulit ni PLAYER A.
SAPAW
Kapag ipinanSAPAW ko ang lahat ng cards sa hand ko, panalo na ba ako?
Yes sizt, PANALO KA! Pa-tarp natin dali.
Pwede bang i-shuffle ang salita pag magsaSAPAW?
HINDI PWEDENG I-SHUFFLE ang salitang sasapawan. Halimbawa, hindi pwedeng i-shuffle ang NI PA para gawing PA NI at sapawan ng KI para gawing PANIKI.
Pwede bang mabago ang meaning ng salita pag magsaSAPAW?
Pwedeng-pwede. Pwedeng mabago ang meaning at pagitnaan ang salita, basta hindi ma-shuffle o mabago ang order ng cards. Halimbawa: HA KA >>>. HA (LI) KA
Pwede bang SUMAPAW ulit ang player na nagbaba/nagdugtong ng salita?
Pwedeng sumapaw muli ang same player na nagbaba ng salitang iyon, pagkatapos sumapaw ng other player/s. Halimbawa:
Player 1: Nagbaba ng HA KA
Player 2: SUMAPAW >>> HA (LI) KA
Player 1: SUMAPAW rin >>> HA LI KA (N)
Pwede bang SUMAPAW gamit ang more than 1 card?
Pwedeng-pwede. Halimbawa: HA LA >>> (MA) (HA) HA LA (GA)
Kailangan ba talagang hampasin ang bank para SUMAPAW?
Kung hindi kayang hampasin ang cards pag SASAPAW, pwedeng isigaw na lang ang “SAPAW!” o IBATO ang card/s na panSAPAW. Mag-decide ang grupo kung sino ang nauna—mas magulo, mas masaya!
PASS MECHANICS
Ano ang ginagawa tuwing magpa-PASS?
Pagkatapos mag-MANDATORY DRAW/BUNOT ang isang player at wala siyang pandugtong*, magpa-PASS lang siya. END OF TURN na niya; wala na siyang ibang gagawin. Kung ano ang PAMATO na hindi niya nadugtungan, yun pa rin ang PAMATONG susubukang dugtungan ng next na player.
*o AYAW niyang magDUGTONG dahil nire-reserve niya ang cards niya para makabuo ng mas mahabang word later on
GENERAL RULES/SPECIAL INSTANCES
Paano ang tamang pagDUGTONG?
Pwedeng sa unahan ng PAMATO, sa hulihan, o pagitnaan ang PAMATO— kahit ilang cards ang gamitin, basta iisang salita lamang ang mabubuo. Mga halimbawa:
- PAMATO: BA >>> (HA) + BA >>> sa unahan ng pamato
- PAMATO: BA >>> BA + (LA) >>> sa hulihan ng pamato
- PAMATO: BA >>> (HA) + BA + (G) >>> pinagitnaan ang pamato
- PAMATO: BA >>> (MA) + (HA) + (HA) + BA + (G) >>> multiple cards ang idinugtong
Pwede bang more than 1 card ang PAMATO sa harap ng players?
Designed ang game na at any time, IISANG PAMATO LANG ang dapat nasa harapan ng players. Ang RHYTHM ng game ay: 1) BUNOT, 2) DUGTONG at magbaba ng PAMATO, 3) o PASS.
May iba bang paraan para ma-determine ang unang titira, o ang Player 1?
YES, pwedeng itong gawing fun!
- Mauna ang pinakabata/pinakamatanda
- Pinakamaraming naging jowa
- Pinakamababa ang grade sa Math, atbp
May bearing/effect ba ang kulay ng cards sa game?
Sorry, wala. Pampaganda lang sila.
Paano kapag nahihirapan ang lahat ng players na dugtungan ang PAMATO?
Kapag nakaisang ikot na na lahat ng players ay nag-PASS, gawing DEAD CARD ang PAMATO.
1) I-DISCARD o itabi ito, 2) i-DRAW ang TOP CARD mula sa DRAW DECK, at 3) i-REVEAL ito sa tabi ng draw deck. Ito ang magiging BAGONG PAMATO.
Sa game mode na MAUNA MANALO, paano kapag ubos na ang laman ng draw deck pero may cards pa ang lahat ng players?
Magdecide ang grupo. Either:
1) I-SHUFFLE ulit ang lahat ng cards sa bank ng lahat ng players at ilagay bilang DRAW DECK.
2) OR i-total ang score ng cards na natira sa hand ng bawat player:
1 letra = 1 pt
2 letra = 2 pts
3 letra = 3 pts
Ang player na may pinakamababang score ang siyang panalo.